Chicago Indymedia : http://chicago.indymedia.org/archive
Chicago Indymedia

News :: Elections & Legislation

National ID system at Cha-cha ni Arroyo pakana para mangunyapit sa poder

Mahigpit na binabatikos ng AJLPP ang pakana ng Rehimeng US-Arroyo na ipatupad ang National ID system and ang Charter Change(Cha-Cha). Upang patuloy na makapangunyapit at mapahaba ang pananatili sa poder, muling itinatambol ni Gloria Arroyo ang matagal nang nauudlot na planong national identification (ID) system at pagbabago sa saligang batas.
National ID system at Cha-cha ni Arroyo pakana para mangunyapit sa poder

Los Angeles-- Mahigpit na binabatikos ng AJLPP ang pakana ng Rehimeng US-Arroyo na ipatupad ang National ID system and ang Charter Change(Cha-Cha). Upang patuloy na makapangunyapit at mapahaba ang pananatili sa poder, muling itinatambol ni Gloria Arroyo ang matagal nang nauudlot na planong national identification (ID) system at pagbabago sa saligang batas.

National ID system.

Tinalakay ito nitong Enero 7 sa isang kumperensya ng matataas na upisyal ng militar at pulisya na dinaluhan ni Arroyo sa Camp Aguinaldo. Inatasan ni Arroyo ang Department of National Defense na pag-aralan kung paano ilulusot ang sistemang ID sa mga balakid na probisyon ng saligang batas ng Pilipinas at sa mga nauna nang desisyon ng Korte Suprema laban dito.

Tinatarget ni Arroyo na maipatupad ang sistemang ID ngayong taon.

Sa tulak ng US, ipinatutupad na ngayon ang isang sistemang ID sa mga komunidad sa Sulu bilang bahagi ng pagkontrol sa populasyon sa ngalan ng pagsugpo sa Abu Sayaff. Ipinatutupad na rin ito sa isang barangay sa Davao City. Malinaw na ginagawang laboratoryo ang mga lugar na ito sa planong implementasyon ng sistemang ID sa buong bansa.

Idinadahilan ng rehimen na makatutulong daw ang pambansang sistemang ID sa pagsugpo sa mga kriminal at sa tinatagurian nitong mga “terorista.” Pinalalabas ng rehimen na ang ID na ito ay magkokonsolida lamang sa iba’t ibang ID tulad ng Social Security System ID at Philippine Health Corporation (PhilHealth) card at maglalaman lamang ng mga batayan at dati nang impormasyong nasa ibang ID.

Ang totoo, itinutulak ng AFP at PNP ang pambansang ID sa balangkas ng kontra-rebolusyonaryong Oplan Bantay Laya 2 at pagsupil sa mga kalaban ng rehimen. Ang tunay na layunin sa likod ng pagtutulak ng pambansang ID ay ang pagpapahigpit ng pagmanman sa mamamayan at pagkontrol sa kanilang pagkilos.

Nais ng rehimen na agapan ang anumang kilusang magpapatalsik dito sa poder o pipigil sa plano ni Arroyo na manatili sa pwesto lampas pa sa 2010. Tiyak na gagamitin ang ID sa panghaharas at panggigipit sa mga grupo at indibidwal na anti-Arroyo.

Walang ibang maaasahan sa pambansang sistemang ID kundi ang pagdami ng kaso ng paglabag sa karapatang-tao at pagsikil sa kalayaang sibil ng mamamayan.

Katunayan, mas matindi pa ang pambansang sistemang ID sa sistemang sedula na ipinatupad ni Gen. Jovito Palparan noong siya ang kumander ng 7th Infantry Division sa Central Luzon.

Matatandaang inobliga niya at ng kanyang mga tropa ang mamamayan ng Nueva Ecija, Bulacan at iba pang kanugnog na lalawigan na magkaroon ng sedula. Sinumang walang sedula ay agad na pinararatangang hindi tagaroon at myembro o tagasuporta ng BHB. Mahaba ang listahan ng paglabag sa karapatang-tao dahil sa sistemeng sedula ni Palparan.

Charter Change.

Habang papalapit ang eleksyong 2010, mas nagiging aligaga si Arroyo sa kanyang kapit sa kapangyarihan. Kaya muli niyang itinutulak ang pagbabago sa saligang batas upang makapanatili pa siya sa poder.

Sa ngayon, sinusubukan niyang gawing sangkalan ang pakikibakang Moro sa pagsasabing masosolusyunan ng pagbabago sa saligang batas ang mga ipinaglalaban ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ito ay sa usapin ng ancestral domain (o lupaing ninuno) na pinalalabas ng rehimen na bara at sanhi ng pagtigil ng usapang pangkapayapaan sa pagitan nito at ng MILF.

Ayon kay Jesus Dureza, presidential peace process adviser, solusyon para sa mamamayang Moro ang pagbabago tungong sistemang pederal. Mariin naman itong tinuligsa ng MILF sa pamamagitan ni Eid Kabalu, civil-military affairs chief ng MILF. Ayon sa kanya, wala silang napagkaisahan sa usapang pangkapayapaan sa pagitan nila at ng gubyerno ni Arroyo na ang pagpipinal ng kanilang kasunduan ay iaangkla sa pagbabago sa saligang batas.

Kasabay nito, naghahanda na rin ng panibagong panukala ang mga alipures ng rehimen sa Kongreso. Nagsisimula na ring magpakulo ng panibagong People's Initiative ang Union of Local Authorities of the Philippines (Ulap). Ngun it tulad ng dati, mabibigo ang mga pakana ni Gloria. Babangon at babangon ang masa laban sa kanyanbg gma pakana.
 
 

Donate

Views

Account Login

Media Centers

 

This site made manifest by dadaIMC software