Chicago Indymedia : http://chicago.indymedia.org/archive
Chicago Indymedia

News :: Civil & Human Rights

Pandaraya sa Eleksyong Mayo 14

Wala nang tatalo sa pagkapalalo at lantarang pagiging garapal ng mga tauhan ng Pangulong Arroyo. Mariing kinokondena ng Alyansa-Pilipinas o AJLPP ang lantarang ipinamamarali ng mga kandidato at susing mga tauhan ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang makinarya at salapi para bumili ng boto. Nakakasuka ang pagmamayabang ng TEAM UNITY at ng Malacanang ang kanilang “makinarya” at “command votes” na magpapanalo daw sa kanila sa eleksyong Mayo 14. At sa huli, pupulutin si GMA tulad ng mandarayang si Marcos noong 1986, sa kangkungan ng kasaysayan. Sa huling pagtutuos, hindi makakasa ang masa sa eleksyon. Nasa masa ang huling pagpapasya para sa tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino. ###
Garapalang Pagkapalalo ng Rehimeng US-Arroyo, Paghahanda sa Malawakang Pandaraya sa Eleksyong Mayo 14

Los Angeles – Wala nang tatalo sa pagkapalalo at lantarang pagiging garapal ng mga tauhan ng Pangulong Arroyo.

Mariing kinokondena ng Alyansa-Pilipinas o AJLPP ang lantarang ipinamamarali ng mga kandidato at susing mga tauhan ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang makinarya at salapi para bumili ng boto. Nakakasuka ang pagmamayabang ng TEAM UNITY at ng Malacanang ang kanilang “makinarya” at “command votes” na magpapanalo daw sa kanila sa eleksyong Mayo 14.Tignan natin ang mga kapalaluang ito:

-- Nangangako si Department of Justice secretary Raul Gonzales ng P 10,000 sa mga opisyal ng barangay sa Iloilo na makaka-12-0 sa oposisyon. Nagmayabang pa ito na siya ang gagastos sa miting de abanse ng TEAM UNITY sa Iloilo sa halagang P 500,000!

-- Si Chavit Singzon naman ay nangangako ng P 50,000 bawat baryong magpapanalo sa kanila sa Nueva Ecija. Mauna dito nagpamudmod na ito ng pera sa Misamis, Mindanao.

__ Sina Joe De Venecia sa Pangasinan at Manny Pacquiao sa Timog Cotabato naman ay nagpapamahagi ng mga libreng “insurance certificates” sa kanilang mga myembro. Dati na raw nilang ginagawa ito para sa mga myembro ng LAKAS-MUCD.

__Sa Makati, nagpapamudmod ng litson at isdang tilapia ng libre ang magkapatid na Geunio ( ang ama nila ang hepe ng pasugalang pambansa- ang PAGCOR) laban kay Mayor Binay.

Habang , ang inutil at walang sibling COMELEC ay patay-mali at walang magawa sa mga paglabag sa batas na ito. Panay lamang ang satsat nito at pakunwaring “magiimbestiga” tulad ng lagi nitong sinasabi na wala naming nangyayari.

Walang Maasahan sa COMELEC at sa Pekeng Eleksyon

Anu pa ba ang maaasahan sa COMELEC na hindi na marunong magbilang ay kasapakat pa ng lahat ng administrasyon sa pandaraya sa halos lahat ng eleksyong nagdaan sa Pilipinas?

Kung si Leonardo Perez ni Marcos noong martial law ay hindi marunong magbilang, si Benajmin Abalos naman ni Arroyo ay mahilig magpalusot at mambalutkot ng katwiran. Tunay na si Abalos ay ang panghambalos ni Arroyo sa masa!

Ngayon pa lang ay kumikilos na ang mga propagandista ni Arroyo na hutukin ang isip ng mga tao na sila ang mananalo sa eleksyon. Kasabwat ang mga gumagawa ng survey at amga bayaran nila sa media; ginagawa nila ang “trending” para palabasing humihina na ang mga nasa oposisyon at sila ang lumalakas dahil sa kanilang “makinarya” at “command votes”.

Propaganda at Paglelegalisa sa Pandaraya

Kamakailan ibinalita ng SWS at ng Inquirer na bumaba na ang bilang ng boboto sa BAYAM MUNA at iba pang progresibong party lists at magiging 6-6 ang boto ng oposisyon at adminsitrasyon. Ihihahanda nila ang isip ng tao sa 12-0 ng administrasyon lalo na sa Mindanao at sa Bisayas kung saan pababahain ng Rehimeng -US arroyo ang pera at syempre pa ang pandaraya at pananakot.

Ngayon pa lang nakatalaga na ang military at pulisya para gawan ng paraan ang pandaraya sa eleksyon. Nakaposisyon pa rin ang mga nandaya noong 2004, sina Heneral Ebdane, Esperon at iba pang operators tulad nina Puno at iba pa sa mga estratehikong purok ng mga botante sa Pilipinas.

Nagpatakbo pa ng may 19 na party-list groups ang Malacanang na suportado nila ng pera at lohistika para siguraduhing walang mayoryang makukuha ang oposisyon para mapatalsik si Gloria sa pamamagitan ng impeachment.

Ngunit hindi basta-basta makapandaraya si GMA tulad ng dati. Manalo man sila sa madayang bilang ng COMELEC, basbasan man siya ng benditang tubig mga duwag na mga Kardinal at mga bayarang obispo ng Simbahang Katoliko, sasambulat din ang galit ng masa.

At sa huli, pupulutin si GMA tulad ng mandarayang si Marcos noong 1986, sa kangkungan ng kasaysayan. Sa huling pagtutuos, hindi makakaasa ang masa sa eleksyon. Nasa masa ang huling pagpapasya para sa tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino. ###
 
 

Donate

Views

Account Login

Media Centers

 

This site made manifest by dadaIMC software