Chicago Indymedia : http://chicago.indymedia.org/archive
Chicago Indymedia

Commentary :: Elections & Legislation

BAKIT NANALO ANG MGA DEMOKRATA SA NAKARAANG ELEKSYON 2006?

Pagkatapos ng eleksyong 2006, malinaw na panalo ang mga Demokrata sa midterm elections nitong Nobyembre 7. Mahigit 21 bagong kongresista ang naipanalo ng mga ito laban sa dating mayoryang Republicans. Mahigpit pang pinaglalalabanan ang anim na pwesto sa senado. Nakuha din ng mga demokrata ang mayorya ng mga goberador sa 50 estado ng Ameriak na isang pinakamalaking bagay sa loob ng 20 taon.

Maraming nagsasabing ang mga matitinding eskandalo ang pumatay sa mga Republikano. Nariyan ang mga mabagal na pagtugon ng gobyernong Bush sa Katrina, ang usapin ng pagnanakaw sa gobyerno, kurupsyon sa financial system, ang Foley Scandal at iba pang mga lantad na usaping kinasangkutan ng mga senador at kongresistang Republicans tulad nina Tom Delay atbp.

Ngunit ang namumukod na analisis ay ang ang pagsambulat ng galit ng mamamayang Amerikano laban sa gyera sa Iraq. Pinilit ng mga administrasyong Bush na gamiting isyu ang terorismo samantalang nagdiin ang mga Demokrata sa gyera sa Iraq.

Maraming nagpapatunay na malaking bilang ng botante ang bomoto para ipakit ang galit nila sa balota laban sa walang katwirang patakaran ni Bush na manatili sa Iraq. Bago ng mageleksyon, napilitan si Bush na palitan ang makulit at maulit na slogan niyang “Stay the Course” sa Iraq.
Analisis

Bakit Nanalo ang mga Demokrata at Bumagsak ang mga Republikano sa Nakaraang Eleksyong 2006

San Francisco --Pagkatapos ng eleksyong 2006, malinaw na panalo ang mga Demokrata sa midterm elections nitong Nobyembre 7. Mahigit 21 bagong kongresista ang naipanalo ng mga ito laban sa dating mayoryang Republicans. Mahigpit pang pinaglalalabanan ang anim na pwesto sa senado. Nakuha din ng mga demokrata ang mayorya ng mga goberador sa 50 estado ng Ameriak na isang pinakamalaking bagay sa loob ng 20 taon.

Maraming nagsasabing ang mga matitinding eskandalo ang pumatay sa mga Republikano. Nariyan ang mga mabagal na pagtugon ng gobyernong Bush sa Katrina, ang usapin ng pagnanakaw sa gobyerno, kurupsyon sa financial system, ang Foley Scandal at iba pang mga lantad na usaping kinasangkutan ng mga senador at kongresistang Republicans tulad nina Tom Delay atbp.

Galit na ang Bayan- Ipinakita sa Balota

Ngunit ang namumukod na analisis ay ang ang pagsambulat ng galit ng mamamayang Amerikano laban sa gyera sa Iraq. Pinilit ng mga administrasyong Bush na gamiting isyu ang terorismo samantalang nagdiin ang mga Demokrata sa gyera sa Iraq.

Maraming nagpapatunay na malaking bilang ng botante ang bomoto para ipakit ang galit nila sa balota laban sa walang katwirang patakaran ni Bush na manatili sa Iraq. Bago ng mageleksyon, napilitan si Bush na palitan ang makulit at maulit na slogan niyang “Stay the Course” sa Iraq.

Ngunit hindi lamang ito ang usaping labis na ikinagalit ng mga taumbayang Amerikano lalo na ng mga nasyunalidad na maraming migrante tulad ng mga Pilipino sa Amerika.

Ang hindi pinapansin at binabanggit ng mga burges na media ay ang galit ng mga kamag-anak ng maraming migrante na hindi nilegalisa ng batas sa Kongreso. Hindi ipinasa ng Kongreso ang batas na maglelegalisa sa mga migrante o ang SB 2611 ( Compehensive Immigration Reform Act o ang hagel-Martinez Bill) . Sa halip ang ipinasa ng mga Republikano ay ang batas na magtatayo ng bakod sa hangganan ng Mexico at U.S na gagastusan ng may higit sa 7 bilyon dolyar.

Sinasadyang takpan ang isyu ng imigrasyon, napatunayan sa eleksyong ito, gumanti ang mga migrante at mga kamag-anak nila sa pagpapatalsik ng mga Republikanong anti-migrante at maka Bush at nagtutulak ng Gyera sa Iraq. Marami sa kanila na mga anak at kamag-anak ng mga migrante ang bomoto laban sa mga mapaniil na patakarang ito.

Ang pagsasanib ng lahat ng mga isyung ito isang malaking bagay na nagtulak ng malaking bilang ng bomoto laban kay Bush at sa kanyang mga patakarang anti-mamamayan. Ayon sa CNN may 57% sa mga bomoto ay galit kay Bush at sa patakaran nito ng walang tigil na gyera sa Iraq.

Hindi na umubra ang mga banat ni Bush na ang mga demokrata ay “magtataas ng buwis.”, sila ay “ mahina sa paglaban sa terorismo.” Bumenta na ito noong 2000 dahil lalampa-lampa si Al Gore at mayabang itong pinigil na magkampanya si Clinton para sa kanya. Naging epektibo pa rin ito laban kay John Kerry na nagwalang bahala at lalo pang nanahimik at hindi sumagot laban sa mga atake ni Bush sa kanya noong 2004.

Bakit Nanalo si Arnold sa California?

Sa kabila ng mga tagumpay, nanalo naman sa California si Arnold Schwarzenegger bilang gobernador. Muling ipinakita ng mga demokrata ang kanilang kahinaan kung paano hindi magkaisa. Tulad ng espesyal recall elections laban kay Grey Davis, hindi sinuportahan ng mga democrats ang kanilang kandidatong si Phil Angelides nitong 2006.

Kitang-kita na walang pera ang mga demokrata sa kakaunting advertisements, mga karatula at mahinang kampanya. Tanging ang mga unyon lamang ang nagkampanya kay Angelides. Gayunman kahit ang mga unyon ay nagtipid din at di naglabas ng pera para siya ikampanya.

Ang masakit sinuportahan pa ng mga ilang grupong migrante si Arnold sa kabila ng suporta nito sa mga Minutemen na kanyang binawi noong panahon ng eleksyon. Maging ang mga Latino ay hindi aktibong sumuporta kay Angelides at marami pang sumuporta kay Arnold.

Ngunit ang mas malaking bagay ay mukhang patay-patay si Angelides. Kitang kita ito sa debate na naganap bago eleksyon. Nilalampaso na siya ni Arnold, nakangiti pa si Angelides. Mahina ang personalidad nito laban sa machong si Terminator.
]
Talagang lumabas na lumpo ang demokrata sa California gayung tagarito sina Nancy Pelosi, ang magiging unang babaeng Speaker sa Kongreso ng Amerika at ang mabibigat na lider sa Senado tulad nina Barbara Boxer at Diane Feinstein.

Isa pa, nagbago ng taktika si Arnold. Dumistansya siya kay Bush at sa mga patakaran ng mga republicans sa California. Kunwa;y sumuporta din siya sa mga migrante at Latino. Sinuportahan din niya ang pakikibaka ng mga beteranong Pilipino sa pagsulat kay Bush.

Ang hinaharap, masaklap at mahirap para sa higit na 1.5 milyong Pilipino sa Amerika. Lalo na sa California na may kasalukuyang hiring freeze o pagpigil sa pagtanggap ng trabaho sa state agencies. May wage freeze din ang mga empleyado ng estado mula ng umupo si Arnold noong 2003.

Papatindihin ang pakikibaka para sa karapatang Migrante

Magandang pagkakataon ang pagkatalo ng mga Republikano sa Kongreso para itulak ang pakikibaka para sa karapatang migrante. Lalo pang pagiibayuhin mg mga grupong migrante ang kampanya para ilegalisa ang may 12 milyong walang papeles na migrante sa Amerika.

Sisingilin ng mga grupong progresibo ang mga demokrata sa kanilang pangako na tuparin ang mga patakarang makatao, maka-migrante at tunay na para sa interes ng mga mamamayan. Bagamat walang ilusyon ang mga progresibo na magkakaiba ang mga demokrata sa mga republikano, magangang pagkakataon ito na itulak ang pakikibaka para sa ganap na amenstiya.

Kung magkakaisa ang mga grupong migrante, lalo pang maikakasa ang kilusang masa sa papasok na taon.

********
 
 

Donate

Views

Account Login

Media Centers

 

This site made manifest by dadaIMC software