Chicago Indymedia : http://chicago.indymedia.org/archive
Chicago Indymedia

News :: Civil & Human Rights

LUMALAPIT ANG ELEKSYON, TUMITINDI ANG PATAYAN AT KARAHASAN

Wala nang tatalo pa sa pagkagarapal ng Rehimeng US-Arroyo. Mula sa panuhuhol, panadaraya at lalo na sa karahasan, dinaig na nito ang pasistang rehimeng US-Marcos sa pagiging makapal ng mukha at pagiging manhid lalo na sa pagkunwari.

Dahil dito muling nanawagan ang AJLPP sa mga mamamayan ng Pilipinas na dapat pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagbabantay laban sa karahasan at pandaraya .

Lubhang ikinababahala ng AJLPP ang pagdami ng mga insidente ng karahasan at ang lantaran at garapalang paggamit ng gobyerno ng suhol sa masa.
LUMALAPIT ANG ELEKSYON, TUMITINDI ANG PATAYAN AT KARAHASAN

Los Angeles -- Wala nang tatalo pa sa pagkagarapal ng Rehimeng US-Arroyo. Mula sa panuhuhol, panadaraya at lalo na sa karahasan, dinaig na nito ang pasistang rehimeng US-Marcos sa pagiging makapal ng mukha at pagiging manhid lalo na sa pagkunwari.

Dahil dito muling nanawagan ang AJLPP sa mga mamamayan ng Pilipinas na dapat pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagbabantay laban sa karahasan at pandaraya .

Lubhang ikinababahala ng AJLPP ang pagdami ng mga insidente ng karahasan at ang lantaran at garapalang paggamit ng gobyerno ng suhol sa masa.

Ayon sa AJLPP ang mga kasalukuyang pangyayari ang malinaw na nagpapatunay dito:

- Pinagbabaril at tinatakot ng grupong BANTAY sa ilalim ni Jovito Palparan ang grupo ng kandidatong si Jun Jun Villanueva sa Bocaue, Bulacan nitong Mayo 4..

Ginagamit ang mga tropa ng 3rd IB ng 7th Division, pinagbabaril ang compound ng mga Villanueva sa Bulacan. Tulad ng dati, tameme lang ang COMELEC. Labis na ikinagalit nina Palparan ang pagsuporta ng JIL ni Villanueva sa oposisyon at sa patry-list ANAKPAWIS at BAYAN MUNA sa Bulacan,

- Mayo 5, nagdeploy ng maraming pulis sa city hall ng Makati para gipitin ang kandidato ng oposisyong si Mayor Jejomar Binay. Nais patalsikin ng rehimen ang mayor ng oposisyon sa Makati City.

- Dinukot ng limang di kilalang lalaki n pinan iniwalang militar ang anak ng publisher ng MALAYA na si Joe Burgos- si Janus Burgos at dalawa nitong kasama sa GOTESCO Mall. Iniuots na ng Commission on Human Rights (CHR) sa militar at pulisya na ilitaw si Burgos na kasapi ng samahang magsasaka sa Bulacan.

- Sa Jaen, Nueva Ecija, pinagbabaril ng mga bodyguards ni Rodolfo Antonino, pangunahing galamay ni GMA sa Nueva Ecija ang kalaban nitong si Mayor Tony Esquievel na ikinamatay ng dalawang tauhan nito at dalawa nitong anak na lalaki.

- Sa Pasay City, lantarang nagpapamigay ng mga kagamitang pangeskwela at pagkain ang kandidatong galamay ni GMA na si Connie Dy sa kabila ng pagbabawal ng COMELEC.

- Sa General Santos City, lantran nang sinisiraan ni Manny Pacquiao, boksingero at ngayon ay pulitiko ang kalaban nitong si Darlene Antonino-Custodio na di umano’y nagutos na siya ay patayin. Gumagamit si Pacquiao ng black propaganda.

ESPERON, ANG BAGONG GENERAL VER-Salonga

“ Kung si Marcos ay may Ver, si GMA ay may Esperon”. Ito ang pahayag ni dating senador Jovito Salonga na labis na nababahala sa paggamit ng GMA ng military para tumulong diumano sa pulisya para sa eleksyon ito.

Kamakailan lang nagutos si GMA na gamitin ang pwersa ng AFP para diumano sugpuin ang karahasan gayong ito ay trabaho ng pulisya.

Kasabay nito pinuna rin ni Salonga ang paggamit ng military sa pangkakampanya sa Metro amnila laban sa mga balwarte ng oposisyon.

Nauna dito, natuklasan ng PLDT na may naglagay ng “bugging device’ sa telepono ng dating pangulong Cory Aquino sa bahay nito sa Quezon City.

“Labis na kahiya-hiya” ito ang sabi ni dating pangulong Fidel Ramos sa kanyang komentaryo sa naganap na pagwiwiretapping sa telepono ng dating presidenteng Cory Aquino na ang anak ay kandidato ng oposisyon para sa senado.

TAGAYTAY 5 , DAPAT PALAYAIN-Senador Lacson

Samantala, binisita ni Senador Panfilo Lacson ang “Tagaytay 5” na nakakulong sa Cavite. Ang limang magsasaka na kamakailan ay naghunger strike ng may 68 araw para ipaglaban ang kanilang mga karapatan ay dapat nang palayain ayon kay Lacson.

Umaabot na sa mahigit 100 ang mga insidente ng karahasan na kumitil ng maraming buhay sa panahon ng eleksyon sa Pilipinas.

Ayon naman sa pinakahuling survey ng SWS- mahigit sa 40% ng mga mamamayan ay naniniwala na “ mandaraya sa eleksyong ito ang kampo ni Gloria-Macapagal-Arroyo.”

Ito ang dahilan marahil kung bakit lalong nagiibayo ang pagigign sagadsaring garapal sa karahasan at sa panlilinlang o black propaganda ng rehimeng US-Arroyo.

*********
 
 

Donate

Views

Account Login

Media Centers

 

This site made manifest by dadaIMC software